"Hindi ako obstructionist."

Bilang Senate Minority Leader, hindi raw hadlang si Sen. Koko Pimentel kundi naglalayon ng kooperasyon para maisulong ang mga batas na kailangan ngayon ng bansa.

Sang-ayon daw siya sa priority bills ni Pangulong Bongbong Marcos ngunit kinakailangan busisiin ang detalyeng lalamanin ng ilan sa mga ito.

Ang priority bills na nais sana niyang matutukan, alamin sa panayam na ito ng The Mangahas Interviews.